Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na walang mandato na mag-isyu ng anumang dokumento ng visa.
Ayon sa departamento, ang kanilang tanggapan ay hindi nag-uutos na suriin, iproseso, o aprubahan ang anumang mga dokumento ng visa para sa mga mamamayang Pilipino na nagnanais magtungo sa ibang bansa.
Ang babala ay dumating sa gitna ng mga ulat ng mga indibidwal o grupo na gumagamit ng pangalan ng departamento para humingi ng clearance fee para sa pag-iisyu ng mga visa documents.
Nagbabala ang DOLE-NCR sa publiko laban sa mga scammer na nagtatangkang humiling ng clearance fee ng mga dokumento ng visa na dapat bayaran sa Department of Labor and Employment.
Hinimok din ng nasabing departamento ang mga mamamayan na maging maingat sa mga grupo o indibidwal na kanilang katransaksyon.
Gayundin na dapat umanong manatiling mapagbantay at protektado laban sa mga mapanlinlang na aktibidad.