-- Advertisements --
received 2637089973277725

Nagpaalala ngayon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manning agency o mga shipping companies sa kanilang obligasyon sa mga seasfarers na isasailalim sa mandatory community quarantine.

Ito ay kasabay na rin ng pagbuhos ng mga umuuwing overseas Filipino workers (OFWs) sa ginta ng ipinatutupad na modified enhanched community quarantine (MECQ) ng pamahalaan.

Sa Department Order No. 211-A series of 2020 ng DOLE na pirmado ni Labor Sec. Silvestre Bello III, binigyang diin ng kagawaran ang obligayon ng mga manning agency sa bansa na sagutin ang board and lodging ng kanialng mga seafarers sa panahon ng quarantine period bilang pagsunod sa Maritime Labor Convention. 

Sinabi ng DOLE na dapat itong sundin ng mga recruitment at manning agency sa ilalim man ng community quarantine o sa tinatawag na new normal. 

Inaatasan ng DOLE ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at ang Overseas Welfare Workers Administration (OWWA) na mahigpit na ipatupad ang mga probinsyon ng Maritime Labour Convention of 2006.

-- Advertisement --

Una nang naglabas  ng Resolution No. 23 series of 2020 ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para sa pagsasailalim sa mandatory quarantine ng lahat ng mga repatraited OFWs.