-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Ikinalungkot ng Federation of Free Workers ang report ng International Trade Union Confederation na kasama pa rin ang Pilipinas sa ‘Top 10 Worst Countries for Workers’.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Atty. Sonny Matula, national president ng nasabing grupo, ito na ang sunod-sunod na walong taon na hindi natanggal mula sa nasabing listahan ang Pilipinas.

Bilang mga advocates para sa kapakanan ng mga trabahante, natural lamang umano na masakit ito para sa kanila at kanya nang hiniling kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma na maghanap ng paraan upang matanggal na ang bansa mula sa nasabing listahan.

Naka-contribute umano nito ang pagpatay sa mga trade union leaders simula pa sa Duterte administration hanggang ngayon na umabot na sa 72 ang bilang na karamihan ay hinfi pa nabigyan ng hustisya.

Andyan pa ang anim na mga kaso ng kidnapping at 240 ka mga trabahanteng biktima ng red-tagging, harassment at gawa-gawang mga isinampang kaso.