NAGA CITY – Inalerto ngayon ng isang doktor sa lungsod ng Naga ang mga Bicolano na mag-ingat na biktima ng nakakalasong inuming lambanog.
Ito’y kaugnay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng kamatayan dahil sa nasabing inumin sa Calabarzon Area.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dra. Janet Froyalde ng Poison Department ng Bicol Medical Center BMC, sinabi nitong doblehin aniya ang pag-iingat ngayon lalo na kung pataas pa rin ng pataas ang kaso ng mga namamatay dahil sa inuming lambanog.
Ayon kay Froyalde, mas mabuti aniya na iwasan muna ang pag-inom ng lambanog lalo na ngayon na nariyan pa rin ang banta ng pagkalason dahil dito.
Samantala, ayon kay Froyalde kung makaramdam ng panghihina, pagkahilo at pagsusuka matapos na uminom ng lambanog agad na pumunta sa pinakamalapit na ospital at komunsulta sa doktor para sa asistensya medikal.
Kung maalala, pumalo na sa 22 katao ang kabuoang bilang ng mga namamatay dahil sa inuming lambanog.