-- Advertisements --
Tutulungan ng Department of Justice (DOJ) ang nasa 70 mga biktima ng illegal recuritment.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Remulla, na nagtungo sa kanilang opisina ang mga biktima ng iligal recrutiment.
Base sa modus ng mga suspek ay pinagbabayad sila ng P180,000 at ito ay maaring gawing installment ng hanggang tatlong beses para makapagtrabaho sa Italy.
May mga ipinapadalang work permits sa mga biktima subalit ng kanilang ipasuri sa embahada ng Italy ay lumabas na ito ay peke.
Ayon sa kalihim na tutulungan nila ang mga biktima sa paggawa ng complaints affidavits at dito malalaman ang kasong maaaring isampa gaya ng swindling, estafa, large scale estafa, qualified theft at iba pa.