-- Advertisements --

Iginiit ni Department of Justice Secretary Fredderick Vida na hindi dapat ma-distract ang mga senador na tumatayong Senator-judges sa ikinasang mga imbestigasyon ng National Bureau of Investigation. 

Ayon sa kalihim, hindi dapat mabahala ang mga mambabatas sa aksyon ginagawa ang ahensya lalo pa’t kung wala naman umanong ikinakapangamba sa panuntunan ng batas. 

Maisa pang ulit na binigyang diin ni Justice Secretary Vida na hindi dapat ma-distract ang mga Senator-judges ng Senate Impeachment Court sa imbestigasyon sapagkat aniya’y tuloy-tuloy naman ang aksyon sa paghabol ng pananagutan. 

Gayunpaman, makatitiyak daw na ang ginagawang imbestigasyon ng kawanihan ay nakabase lamang sa mga ebidensya. 

Kaugnay ang pahayag matapos kumpirmahin ni National Bureau of Investigation Dir. Atty. Melvin Matibag ang pag-iimbestiga ukol sa umano’y mga ghost flood control projects sa lungsod ng Taguig at pagsilip muli sa posibleng iregularidad ng mga proyekto sa Southeast Asian Games noong 2019. 

Naniniwala si Justice Sec. Vida na hindi pa ‘prescribe’ ang mga kaso ngunit ibinahagi na kinukunsidera ang naunang ‘findings’ patungkol sa isyu.