-- Advertisements --

Iginiit ni Justice Secretary Jesus Remulla na dapat ay mabigyan sila ng sapat na pondo para tuluyang maaresto ang mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Sinabi nito na sa ilang operasyon nila sa ilang daang naaresto na POGO ay nahirapan ang kanilang ahensiya kung saan nila ilalagay ang mga ito.

Mahalaga aniya ang pagkakaroon ng sapat na pondo para hindi nila problemahin kung saan nila kukunin ang nasabing pagpapakain sa mga naaresto.

Hindi rin aniya sila basta makagalaw dahil sa tanging ang PAGCOR ang dapat magbigay ng kautusan ukol sa nasabing tuluyang pagpapahinto sa POGO.