Hugas kamay ngayon ang Department of Justice (DoJ) na wala itong inilalabas na sulat ng National Bureau of Investigation (NBI) para pagpaliwanagin si Pasig City Mayor Vico Sotto kaugnay ng umano’y paglabag ng alkalde sa Bayanihan to Heal as One Act.
Para kay Guevarra, ang penal provision ng ano mang batas ay hindi naa-apply sa pamamagitan ng retroactive maliban na lamang kung nagpatuloy pa rin ang naturang paglabag o pagkasala ng isang indibidwal.
Pero aminado naman si Guevarra na inatasan na ng DoJ ang NBI at ang kanilang mga regional offices sa National ProsecutioN Service (NPS) na i-monitor ang mga aksiyon ng mga Local Government Chief Executives at imbestigahan ang ano mang posibleng violation o paglabag sa panuntunan na itinatakda ng Inter Agency Task Force (IATF).
Kabilang dito ang pagkakaabala ng daloy o delivery ng mga essential goods at galaw ng tao sa ilalim ng ipinatutupad na lockdown.
Sinabi ng kalihim na binanggit na rin naman ito ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging talumpati sa bayan nitong Lunes ng gabi.