Nagpulong na kaninang alas-10:00 ng umaga ang outgoing Department of Justice (DoJ) Sec. Menardo Guevarra at incoming Sec. Jesus Remulla para sa isasagawang transition.
Una nang kinumpirma ni Guevarra na isasagawa ang pagpupulong para sa maayos na transition ngayong buwan.
Katuwang ang mga senior officials ng DoJ, nagsagawa ang mga ito ng briefing kaugnay ng operasyon, programa at proyekto ng kagawaran.
Ito ay para matiyak ang maayos na transition sa justice department pagpasok ng bagong administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kasama raw sa mga isinulong ni Guevarra sa naturang pulong ang pagpapanatili sa magandang record ng DoJ sa Anti Human Trafficking palakasin kampanya sa laban sa cyber crimes at itulak ang 3-year joint program kasama ang United Nations (UN) sa human rights promotion and protection.
Kabilang din ito ang paglilipat sa New Bilibib Prison (NBP) at i-professionalize ang Bureau of Corrections (BuCor), isulong ang Immigration modernization bill at marami pang iba.















