-- Advertisements --
Inirekomenda ng mga prosecutors ng Department of Justice ng pagsasampa ng kasong grave oral defamation laban sa dalawang environmental activist na sina Jhed Tamano at Jonila Castro.
May kaugnayan ito sa naging pahayag nila na dinukot sila ng mga sundalo.
Base sa 15-pahinang resolution na inirekomenda ng panel of prosecutors na samapahan ang dalawa ng magkahiwalay na kasong grave oral defamation.
Una ng nagsampa ng kasong perjruy ang 70th Infantry Batalion commanding officer Ronnel Dela Cruz.
Magugunitang noong Setyembre 2023 ng ipalabas ng NTF-ELCAC na sumuko ang dalawa sa 70IB sa Dona Remedios Trinidad sa Bulacan.
Subalit itinanggi ng dalawa na sila ay sumuko at nanindigan na dinukot sila.