
NILINAW ng Department of Justice na pagsunod lang sa protocol o standard operating procedure kaya ni-relieve sa pwesto ang hepe ng NBI security at anim sa kanyang mga tauhan.
Ito ay kasabay ng isinasagawang imbestigasyon sa nadeskubreng paglabas pasok sa kulungan sa NBI ng high profile inmate na si Jad Dera.
Ipinaliwanag ni DOJ Assistant Secretary Mico Clavano na ito rin ay dahil sa command responsibility ng hepe ng NBI security na nakatalaga o tagabantay sa NBI detention facility.
Ang anim na jail guards ang nag-escort sa detainee na si Dera nang lumabas sa pasilidad ng NBI compound sa Taft Avenue Manila na ayon sa kanyang abogado ay nagtungo lang umano sa ospital dahil sumama ang pakiramdam.
Gayunman ay nakita sa cctv ng isang restaurant na kumakain si Dera kasama ang umano’y girlfriend at ang anim na NBI.
















