-- Advertisements --

Sinimulan na ng Department of Justice ang pagpoproseso ng designation bilang terorista kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na bukod pa sa mambabatas ay mayroon pang tatlong iba pa na kanilang nakatakdang tawagin bilang terorista.

Nakausap na rin nito ang Anti-Terror Council kung saan binanggit niya ang nasabing plano.

May binuo na rin na technical working group para mabigyan ng hakbang ang nasaibng pagtawag na terorista kay Teves.

Iginigiit kasi ng kalihim na nararapat na tawagin na terorista ang mambabatas dahil sa ginawa niyang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.