Matapang na kinuwestyon ng isang abogadong si Atty. Hazel Meking ang implementasyon sa inilabas na circular ng Department of Justice hinggil sa pagtukoy ng mga ebidensiya sa prosekusyon.
Kung saan, nais umanong bigyan linaw o kasagutan rito kung bakit may mga hindi natutuloy na ‘conviction’ o kaso sa kadahilanang hindi ‘certain’ raw ang kaso.
Giit kasi ni Atty. Hazel Meking, may mga dumudulog umano sa kanya na umiiyak dahil agarang ‘dismissed’ ang kaso kahit wala pang malinaw o tiyak na presentasyon ng mga ebidensya.
Kaya’t bunsod nito ay kanyang isinapormal ang hinaing ito sa Department of Justice sa pamamagitan ng paghahain ng Petition for Certiorari sa Korte Suprema kontra sa naturang kagawaran.
Nakasaad sa isinumiteng petisyon na mapa-annul o mapawalang bisa ang umiikot na Department Circular 20 ng DOJ na sinimulan pa noong 2023.
Dagdag pa ng naturang abogado na ang circular na ito ay higit na nakakaapekto lalo na sa mga biktima ng krimen sapagkat sa prosekusyon pa lamang ay ibinabasura na raw kaagad ang kaso.