Inaprubahan na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong murder at frustrated murder laban kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Sandra Cam at anim pang indibidwal, kasama na ang kaniyang anak na si Marco Martin.
May kaugnayan ito sa pagpatay kay Vice Mayor Charlie Yuson III ng Batuan, Masbate noong Oktubre 9, 2019 sa Maynila.
Ang pagsasampa ng criminal charges na ito ay nakapaloob sa resolusyon na inilabas ng National Prosecution Service (NPS) ng justice department at kinumpirma ni NPS Spokesperson Honey Degaldo.
Ayon kay Delgado, ang resolusyon na ito ay inilabas ng panel of presecutors sa pamumuno ni Assistant State Prosecutor Josie Christina Dugay at Prosecution Attorney Eugene Yusi.
“Prosecutors Josie Dugay and Eugene Yusi issued resolution dated 22 February 2021, indicting Sandra Cam, Marco Martin Cam, Nelson R. Cambaya, Junel Gomez @Bunso, Bradford Solis, Juanito B. De Luna, and Rigor M. Dela Cruz for Murder for the killing of Charlie D. Yuson III and Frustrated Murder for the wounding of Alberto Y. Alforte IV,” ani Delgado.
Nagsagawa ang panel of prosecutors ng preliminary investigation kaugnay ng reklamo na isinampa noong Pebreo 21, 2020 ng asawa ng biktima na si Lalaine at kapatid nito na si Charlie Yuson Jr., na binase naman sa isinagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation’s Death Investigation Division (NBI-DID).
Pinatay ang vice mayos sa Sampaloc, Manila habang kumakain ng agahan kasama ang ilan sa kaniyang mga kaibigan sa isang karinderya. Tinakbo ito sa University of Santo Tomas Hospital subalit namatay habang ginagamot.
Isa sa mga kasama ni Yuson na kinilala bilang si Alforte ay nagtamo ng mga sugat dahil sa pamamaril ng hindi pa kilalang mga kalalakihan na sakay ng silver-gray van.
Nagtungo ang biktima sa Maynila para bisitahin ang kaniyang kapatid na si Charlie na nagsisilbi bilang isang barangay official.
Bago pa man ihain ang reklamo sa DOJ, inaakusahan na ni Lalaine si Cam dahil ito raw ang nasa likod nang pagpatay sa kaniyang asawa, subalit ilang beses nang itinatanggi ni Cam ang mga alegasyon.