Kinumpirma ni Health Francisco Duque III na may undersecretary ng ahensya ang nag-test positive sa COVID-19.

Sa isang text message sinabi ni Duque na may mild symptoms ang positibong opisyal.

Pero sa virtual presser ng Department of Health nitong hapon, sinabi ni Usec. Maria Rosario Vergeire na mabuti na ang lagay ng opisyal at ginagamot.

“Siya ay binibigyan na ng karampatang medical care at siya ay nasa stable condition na,” ani Vergeire.

Kamakailan nang kumpirmahin din ng DOH na isa sa kanilang mga direktor ang nag-test positive.

Nagbunsod ito para ipa-test at ipag-quarantine si Sec. Duque, na hindi kalaunan ay lumabas na negative.