-- Advertisements --

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga suppliers ng mga medical oxygen na limitahan ang pagbebenta nito dahil sa baka magkaubusan sa mga pagamutan.

Kasunod ito sa ulat na tumaas ang bilang ng mga residente na bumibili ng mga medical oxygen dahi sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nanawagan din si DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire na huwag mag-stock ng mga oxygen sa kanilang bahay para mayroong magamit ang mga pagamutan.

Nararapat na gumamit ng oxygen tank kapag sila ay pinayuhan na ng mga doctor.