Pumanaw na ang beteranong entertainment journalist at radio host na si Jobert Sucaldito sa edad na 65 taong gulang.
Kinumpirma ‘yan sa ng OOTD Jobert and Chaps Channel, na nakalaan para sa YouTube show nina Jobert Sucaldito at direktor na si Chaps Manansala.
Sa kanilang pahayag, nagpasalamat ang pamilya at mga malalapit sa mamamahayag sa patuloy na pagmamahal, suporta, panalangin, at pagtangkilik na ibinigay ng publiko kay Jobert sa loob ng maraming taon.
Noong Hulyo, humiling pa ng panalangin si Chaps Manansala para kay Sucaldito matapos itong ma-confine sa Providence Hospital sa Quezon City nang halos isang buwan dahil sa anxiety at kakulangan sa tulog.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na impormasyon tungkol sa sanhi ng kaniyang pagpanaw.
Si Jobert Sucaldito ay naging kilalang personalidad sa larangan ng entertainment journalism at radio broadcasting, at nakilala sa kaniyang matapang na komentaryo at malawak na karanasan sa industriya ng showbiz.










