Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko kaugnay sa naobserbahang pagtaas ng bilang ng nadadapuan ng covid19 sa nakalipas na linggo.
Ito ay matapos na makapagtala ng 1,171 ang bilang ng bagong nagpopositibo sa virus mula March 13 hanggang 19 ng kasaluluyang taon.
Mas mataas ito ng 19% kumpara sa 983 casesula Marso 6 hanggang Marso 12.
Ayon pa kay DOH officer in charge Ma. Rosario Vergeire manageable pa rin ang bilang ng admissions sa lahat ng ospital sa buong bansa at nananatiling nasa minimum ang severe at critical covid19 cases gayindin ang namamatay dahil sa covid19.
Muling binigyang diin ng opiayal na dapat manatiling mapagmatyag at hinihikayat ang publiko na ipagpatuloy ang pagsusuot ng face mask at magpabakuna.
Base sa latest data ng DOH, mahigit 78 million Pilipino o 100.44% ng target population na ang fully vaccinated kontra COVID-19 habang nasa 23 million na ang nakapagpaturok ng booster dose.