-- Advertisements --

Patuloy umanong pinalalakas ng Department of Health (DoH) ang kanilang stratehiya o ang prevent-detect-isolate-treat-reintegrate (PDITR) strategies dahil na rin sa banta ng isa na namang variant ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang deltacron variant.

Kasunod na rin ito ng posibilidad na pagkalat ng tinatawag na recombinant virus na Delta-Omicron (Deltacron) variants.

Sinabi ni National Vaccination Operations Center chair at Health Undersecretary, Dr. Myna Cabotaje, kabilang daw sa mga measures na pinalakas ang genome sequencing para agad madetermina kung Deltacron ang kumakalat na variant dito sa bansa.

Wala naman daw dapat ikabahala ngayon sa sinusunod na minimum health standard at todo rin ang panawagan nila sa lahat na magpabakuna ng covid vaccine.

Sinabi nitong game chager ang nasabing variant kayat kailangan ng karagdagang proteksiyon ng ating mga kababayan.

Una rito, sinabi ni Presidential Adviser on Covid-19 Response, Secretary Vince Dizon na lagi naman umanong nakahanda ang pamahalaan sa emergence ng bagong covid variant.

Dagdag niya, ang Deltacron variant ay hindi raw “dominant variant of concern” ngayon sa Pilipinas.

Sinabi ng World Health Organization (WHO) na unang na-detect ang Deltacron sa bansang France.