Pumalo na sa 38,805 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas batay sa pinakabagong data ng Department of Health (DOH).
Mula sa 294 na mga bagong kaso ng sakit, 52 ang fresh cases o mga confirmed cases na lumabas ang resulta at na-validate sa nakalipas na tatlong araw. Ito ang pinakamababang fresh cases na naitala ng ahensya mula noong May 29.
Sa late cases naman, o mga kumpirmadong kaso na lumabas ang resulta sa nakalipas na apat na araw pero ngayon lang na-validate ay nasa 242.
Ayon sa DOH, walang bagong kaso ang naitala mula sa Region 7.
Sa recoveries naman, 235 ang nadagdag kaya ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay nasa 10,673.
Sa ikalawang sunod na araw, apat muli ang nadagdag sa bilang ng mga namatay kaya ang total deaths ay nasa 10,274.
“All deaths occurred in June. The decrease in additional cases reported may be due to the change in data extraction time.”
Paliwanag ng ahensya, kaya mababa ang bilang ng reported new cases ngayong araw ay dahil sa pagbabago sa extraction time o panahon ng pagkuha ng Epidemiology Bureau ng testing data mula sa kanilang sistema.
Ito’y para bigyang daan din daw ang mas mahabang in-depth o malalimang analysis sa mga datos na inilalabas ng ahensya.
Ayon sa DOH, pansamantalang adjustments lang ito para mas maging timely o angkop ang ibinibigay na datos ng ahensya sa COVID-19.
















