-- Advertisements --

Patuloy ang pag-monitor ng Department of Health (DOH) sa pitong active Delta variant cases ng COVID-19 virus mula sa 35 cases na natukoy sa Pilipinas.

Ayon kay Health undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pitong active Delta variant cases ay hindi naman nakapaghalubilo sa komunidad at kasalukuyan ay nasa isolation.

Nilinaw ni Vergeire na ang mga kasong ito ay hindi pa maikukonsidera bilang local transmission.

Magkaiba aniya sa pagitan ng local cases at local transmission.

Ang local cases kasi aniya ay mga kaso sa iba’t lugar na mayroong magkaibang timelines sa pagkahawa.

Pero ang local transmission naman ay kapag mayroon nang ebidensya ng linkage sa pagitan ng mga indibidwal na nagpositibo sa Delta variant.

Sa ngayon, kailangan aniya nila ng sapat na ebidensya para maideklara kung mayroon nga ba talagang local transmission na sa bansa.

Pero habang hinihintay ito, kailangan talaga na mag-ingat ng husto ng lahat.