MANILA – Kasado na ang isasagawang immunization program ng Department of Health (DOH) para sa measles at polio ngayong buwan.
Simula kasi sa October 26 hanggang November 25 ay lalarga ang pwersa ng ahensya para turukan ng bakuna ang mga sanggol hanggang apat na taong gulang na mga bata para maiwasan ang banta ng tigdas at polio.
“The target for our MR-OPV (measles rubella-oral polio vaccine) is Regions CAR, Ilocos, Cagayan, Calabarzon, Bicol and all regions in Mindanao, ni Engr. Luzviminda Garcia, supervising health program officer ng DOH-Disease Prevention and Control Bureau.
“The target children in MR are those children 9-59 months old, and for the polio vaccine are the children 0-59 months old.”
Kabilang daw sa mga isinasapinal na ng DOH na logistical requirements ay ang set ng mga libre at ligtas na bakuna, syringes, safety collector boxes, at reporting and recording forms.
Sagot naman ng World Health Organization ang surgical masks at face shields ng vaccination team, at indelible inks.
“We’ve been using this one (indelible ink) since 2014… to identify the children that already received the vaccines. During the rapid convenience assessment (the) monitoring team will go around the household to ensure that all children are given the vaccine.”
IMPLEMENTASYON NG IMMUNIZATION
Target ng DOH na makapagturok ng MR vaccine sa 1.835-million na kabataan para sa mga nabanggit na rehiyon. Nag-deploy na raw sila ng 2.236-million na bakuna sa regional offices ng immunization sites.
“In this computation, we included the waste stage for the vaccines, because the MR vaccines, once you open this one you have to discard it after 6-hours.”
Sa polio vaccine naman, plano ng ahensya na makapagturok ng 1.770-million kabataan mula sa dineploy na 2.524-million na bakuna sa target areas sa Luzon.
“In terms of the vaccine in Mindanao, we will not be giving oral polio vaccine because they have already conducted the campaign last year, so we will be only be giving the MR for Mindanao.”
Tinatayang aabot sa 2.303-million doses daw ng MR vaccine ang kailangan sa Mindanao, pero nagpadala ang Health department ng 3.182-million na supply sa rehiyon.
Paliwanag ni Garcia, wala namang problema kung makakatanggap ng higit sa isang dose ng polio vaccine dahil sa pamamagitan ng oral ito tinatanggap ng bata.
Pero sa kaso ng measles rubella vaccine, kailangan daw ng mahigpit na pagbabantay dahil sa posibleng adverse o hindi magandang epekto ng higit sa isang turok ng bakuna.
“For oral polio it is safe even if the child receives more than two doses, but in measles rubella the tendency is we have to observe the child because this is vaccination.”
Sa ngayon wala pa naman daw naitatalang kaso ang DOH na nagkaroon ng hindi magandang side effect mula sa mga batang nakatanggap ng higit sa isang dose ng MR vaccine.
Nilinaw ng DOH na “house-to-house” ang main strategy na kanilang ipapatupad sa immunization campaign. Posible rin daw na magtayo ng fixed post o pwesto sa mga barangay hall at covered court.
Hindi rin umano kailangan ng skillful personnel sa immunization ng oral polio vaccine, pero sa measles rubella ay dapat na may kaalaman sa pagtuturok ng aktwal na bakuna.
Paalala naman ni Dr. Carla Orozco, immunization specialist mula UNICEF, na dapat masigurong masusunod pa rin ang health protocols sa gitna ng pagbabakuna.
“For the fixed post and temporary post, the number of mothers and caregivers bringing their children should be limited. Physical distancing should be enforced. One mother or caregiver should accompany the child. Also ensuring the mothers are wearing as much as possible.”
Naging katuwang ng DOH ang UNICEF sa pagbili ng 19.2-million doses ng MR vaccine at 10-million doses ng OPV. Tumulong din sila sa delivery ng 3.1-million doses ng MR vaccine sa Mindanao.