Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko na hindi indikasyon ng panibagong outbreak ang 4 na kaso ng Mycoplasma pneumoniae o walking pneumonia sa Pilipinas.
Sa isang statement, iniulat ng ahensiya na nakarekober na ang nasabing mga pasyente na dinapuan ng sakit.
Sinabi din ng ahensiya na maliit na porsyento o 0.08% ang nakumpirmang kaso sa bansa ng influenza-like illness dahil sa walking penumonia mula Enero hanggang Nobiyembre 25.
Ayon pa sa DOH ang mayorya ng kaso ng ILI sa nasabing period ay sanhi ng karaniwang nadedetect na pathogens na mayroon angkop na lunas.
Paliwanag naman ng kagawaran na ang walking penumonia ay kilala bilang isang common pathogen na responsable sa mga impeksiyon gaya ng colds at pneumonia.
Bagamat nakakaapekto ito sa mga indibidwal sa lahat mapabata man o matanda, maaaring makaramdam lamang ng cold-like symptoms.
Habang ang mga may mahihinang immune systems naman at nakatira sa closed settings ay mas may tiyansang magkaroon ng malalang sakit.
Ngunit binigyang diin ng DOH na may kaukulang kakayahan o kadalubhasaan ang mga Pilipinong doktor at medical personnel para malunasan ang naturang sakit at mayroon ding nakahandang mga gamot sa mga ospital.
Kaugnay nito, muling ipinaalala ng DOH ang pagsasagawa ng preventive measures kabilang ang regular na paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask, pagtiyak na amy maayos na bentilasyon at updated ang bakuna para maiwasan ang hawaan ng sakit at iba pang respiratory pathogens.