-- Advertisements --

Ang kumpulan at pagdami ng tao sa mga pampublikong lugar ay posible raw mag-udyok muli ng pagbilis sa transmission o pagkalat ng COVID-19.

Pahayag ito ng Department of Health – National Capital Region (DOH-NCR) office matapos dumagsa sa ilang malls at establisyemento ang mga tao noong Sabado.

Ito kasi ang unang araw na ni-lift ang mahigpit na lockdown sa halos lahat ng lugar sa bansa, kabilang na ang Metro Manila.

Ayon kay DOH-NCR director Corazon Flores, nakakaalarma ang naging sitwasyon nitong nagdaang weekend dahil tila nabalewala ang ilang patakaran tulad ng physical distancing.

Humarap ang opisyal, kasama ang ilang Health executives sa virtual meeting ng House Committee on Metro Manila Development.

Mula sa higit 12,000 COVID-19 cases sa Pilipinas, higit 8,000 ang mula sa National Capital Region.

Katumbas daw nito ang 64.8-percent ng mga confirmed cases sa bansa.