-- Advertisements --
Nanawagan ang Department of Health (DOH) na mag-donate ng dugo.
Kasunod ito naitalang mababang bilang ng mga blood donations noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Marites Estrella, program manager ng DOH National Voluntary Blood Services Program na dapat ang mga may edad 18 hanggang 65 ay maaaring magdonate ng kanilang dugo tuwing tatlong buwan para magkaroon ng regular suplay ng na gagamitin sa iba’t-ibang pagamutan.
Noong 2020 ay mayroong 1.04 milyon blood donation units lamang ang naitala na mas mababa pa sa 1.38 milyon units noong 2019.
Tiniyak naman nito na kahit na mababa ang blood donations ay wala pa ring kakulanan ng suplay ng dugo sa bansa.