-- Advertisements --

Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang Department of Health (DOH) sa World Health Organization (WHO) hinggil sa posibleng bagong variant ng COVID-19 na tinatawag na Omicron XE.

Ang nasabing bagong variant ay sinasabing mas nakakahawang version ng Omicron variant na una nang tumama sa bansa.

Ayon sa DOH, unang nadiskubre ang Omicron XE sa Bangkok, Thailand na mahigpit nang binabantayan ngayon ng kagawaran kung ikakategorya ba ito bilang isang sub-variant ng Omicron o isang bagong variant na papangalanan ng WHO sa oras na magpakita ito ng anumang significant change sa characteristics.

Sa pagsusuri ng WHO, ang XE ay pinagsama umanong mutant ng BA.1 at BA.2 na sub-variant ng Omicron.

Dagdag pa ng WHO, sa ngayon ay mananatili naman itong Omicron variant hangga’t walang namamataang significant differences ito sa transmission at characteristics.