Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 347 na bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa ngayong Sabado, Hulyo 8.
Ang pinakahuling datos ay 50 kaso na mas mababa kumpara sa nakaraang naitala na 397 na kaso noong Biyernes, na ang kabuuang nationwide caseload ay pumapalo na sa 4,167,606.
Sa ngayon, mayroon ng 6,553 na aktibong kaso.
Base pa sa datos, mayroon ng 431 na bagong recoveries ang nadagdag sa tally, na ngayon ay mayroon ng kabuuang 4,094,569.
Ang bilang ng mga nasawi ay nananatili pa rin sa 66,484 sa ikasampung sunod na araw.
Ang Metro Manila pa rin ang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga bagong naiulat na kaso, na may 1,142 sa nakalipas na dalawang linggo, sinundan ng Central Luzon na may 783, Calabarzon na may 652, Western Visayas na may 428, at Ilocos na may 387.