Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 503 bagong kaso ng COVID-19, kaya umabot na sa 4,085,116 ang kabuuang bilang.
Inanunyo ng DOH na muling lumobo sa kabuuang bilang na 503 ang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Umaabot na ang caseload ng Pilipinas sa 4,085,116 na bilang.
Ayon sa pinakahuling bulletin ng DOH, ang bilang ng mga aktibong kaso naman ay bumaba sa 9,413 mula sa 9,533.
Ang kabuuang recoveries ng bansa ay tumaas ng 609 na may kabuuang 4,009,269, habang ang death toll ay nasa 66,434.
Dagdag dito, ang Metro Manila ang may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa nakalipas na 14 na araw, na may 1,267.
Sumunod ang Davao Region na may 438 bagong kaso; Calabarzon na mayroong 412; Ang Northern Mindanao na mayroong 287; at ang BARMM ay mayroong 203 na kaso ng COVID-19.