Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na agad isumbong sa mga otoridad sakaling makadiskubre pa ng mga iligal na COVID-19 health facility para sa mga dayuhan.
Kasunod ito ng ulat ng pulisya kamakailan tungkol sa natunton na underground hospital sa loob ng isang village resort sa Pampanga.
Nasundan pa ito ng pagkakadiskubre rin ng illegal clinic na nago-operate sa isang gusali sa Makati City.
“While we have not received any reports about clandestine hospitals for Filipino patients, we encourage everyone to report these unlicensed facilities because they endanger our health.”
Binigyang diin ng Health department na sa mga lisensyadong health facilities lang dapat magpa-konsulta at magpagamot ang publiko.
Dapat din daw na aprubado ng Food and Drug Adminstration ang mga gamot at medical advices na gagamitin sa kanila.
“Doing otherwise might result in harm. Likewise, we continue to do contact tracing for all COVID-19 patients and are working with the proper authorities to address these clandestine hospitals.”
Noong Abril unang nadiskubre ng pulisya sa Parañaque City na may illegal clinic na nanggagamot umano ng mga pasyenteng Chinese.