Nagbabala ang Department of Health (DOH) kaugnay ng mga lumutang na ulat kaugnay ng mabisang gamot umano laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kailangang may scientific eveidence ang gamot na ipapayo ng ahensya sa mga doktor na tumitingin sa pasyente.
Kamakailan nang maglabas ng advisory ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa mga hindi lisensyadong produkto na PRODEX B at Fabunan Antiviral Injection dahil wala pa raw naihahain na aplikasyon para sa product registration ang mga manufacturers nito.
“Until such products are proven safe and effective for use in the treatment of COVID-19 they cannot be dispensed to the public nor can therapeutic claims be made.”
Iginiit ni Usec. Vergeire na tanging mga aprubado ng FDA na gamot ang itinuturing na ligtas gamitin ng publiko.
“Pinapaalalahanan namin ang lahat na ang paggamit ng gamot na hindi aprubado ng FDA ay delikado sa kalusugan. Ito ay maaaring maging sanhi ng komplikasyon at iba pang side effects.”