-- Advertisements --

Nagbabala si Department of Health USec. Eric Tayag sa publiko sa paglaganap ng sakit na sore eyes na maaaring makuha ngayong tag-init.

Ayon sa opisyal, dapat na magpakonsulta sa ophthalmologist kapag nakakaranas ng pananakit ng mata at eye discharge para malaman ang angkop na gamot na ibibigay.

Dapat din aniya na umiwas sa over-the-counter na patak samata para hindi gumastos sa maling bibilhing gamot.

Nilinaw din ng DOH official ang misconceptions kaugnay sa paghawa ng sore eyes, aniya hindi nakakahawa kapag nagkaroon ng casual eye contact sa pagitan isang indibdiwal na may sore eyes sa walang sore eyes.

Pero babala ni Usec Tayag na ang posibleng paghawa ng sore eyes ay kapag nahipo ng taong may sore syes ang discharge sa mata nito at nailipat sa ibang tao at ikinamot din sa kaniyang mata.

Kaugnay nito, inabisuhan ang publiko na bawasan ang exposure sa direktang sikat ng araw partikular na kapag tanghali para mabawasan ang panganib na madapuan ng sore eyes at iba pang seasonal illnesses.