Pinaalalahanan ng Department of Health (DoH) ang mga indibidwal na gumaling na mula sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na manatiling mapanuri at mahigpit na sumunod sa mga health protocols dahil maaari pa ring mahawaan ng sakit.
Sa public press briefing, muling ipinaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dapat na ipagpatuloy ang pag-iingat dahil maaari pa mahawaan ulit ng covid kahit na nakarekober na sa sakit.
Mahalaga aniya ng pagsunod sa mga minimum public health standards upang mapababa ang panganib ng covid infection.
Hinihikayat din ni Vergeire ang mga covid survivors na hindi pa nakakapagbakuna at eligible ng makatanggap ng covid vaccines ang mga nakarekober na sakit.
Sa datos ng DoH sa mga nakarekober na sa bansa noong Setyembre 17, nasa 90.3 percent o katumbas ng 2.1 million covid patients ang nakarekober na.