-- Advertisements --

Naglaan ng pondo ang Department of Health (DOH) para sa pagbili ng bagong uri ng COVID-19 vaccines na ginawa laban sa mga bagong nakakahawang variants.

Ayon kay DOH Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang mga bakuna ay mas epektibo sa kumpara sa mga kasalukuyang bakuna ngayon.

Noon pa man ay kanilang natalakay ang pagtabi ng pondo para sa pambili ng mga bakuna.

Tinutukoy ni Vergeire ay ang bakuna na bivalent at multivalent na ginawa para lumaban sa mga mas nakakahawang variants gaya ng Omicron.

Ilan sa mga proseso nito ay dapat mag-aplay ng Emergency Use Authorization (EUA) ang manufacturers mula sa Philippine Food and Drug Administration at pag-aaralan ito ng mga local experts.