Kumpara sa mga nakalipas na buwan, patuloy na bumababa ang bilang ng mga health care workers na tinatamaan ng pandemic na COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa regular virtual presser ng ahensya, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na tuluyan nang bumaba ang bilang ng infected health care workers mula katapusan ng Abril.
“Mula sa 19.96-percent na infected HCWs noong April 30 ay bumaba ito ng 9.25-percent noong June 29.”
“As of July 7, nasa 7.45-percent na lamang tayo (sa infection ng health care workers).”
Tiniyak ni Vergeire ang pakikipagtulungan ng DOH sa mga health facilities para masigurong ligtas mula sa impeksyon ang medical frontliners.
“Patuloy din tayong nagpo-procure ng PPEs para sa kanila.”
Paalala ng opisyal, mahalagang nasusunod din ng strikto ang mga infection prevention and control measures sa mga nasabing pasilidad.