Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Health ang naitalang kaso ng melioidosis sa Siquijor .
Katuwang ng ahensya ang Department of Agriculture sa agarang pagbibigay ng aksyon matapos na makumpirma ito.
Una nang inakala na ito ay glanders disease lamang ngunit kalaunan ay kinumpirma ng DOH na ito ay melioidosis.
Nabatid na ang naturang nakamamatay na sakit na dulot ng bacteria ay maaaring makahawa sa tao at hayop .
Ayon sa Department of Health, madalas na naitatala ang melioidosis sa mga tropical countries katulad ng Pilipinas.
Ang naturang sakit ay nakukuha sa pamamagitan ng paglanghap sa maruming hangin, pag-inom ng kontaminadong tubig at iba pa.
Wala pang gamot o vaccine para sa naturang sakit hanggang sa ngayon .
Pinayuhan naman ng Department of Agriculture ang mga livestock raisers na magpatupad ng mahigpit na sanitary protocols sa kanilang mga farm.