-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Health na nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa kaso ng measles-rubella sa bansa sa unang linggo ng buwan ng Mayo.

Sa datos na inilabas ng ahensya, aabot na sa kabuuang 2,118 na kaso ng measles-rubella ang naitala hanggang sa Mayo 10 ng kasalukuyang taon.

Ang naturang bilang ay mas mataas naman kung ikukupara sa naitalang kaso nito sa parehong panahon noong nakalipas na taon na umabot lamang sa 2,068 na kaso.

Nangunguna pa rin ang National Capital Region sa may pinakamaraming kaso ng measles-rubella.

Sinusundan ito ng Calabarzon, Mimaropa, Central Luzon, at at Zamboanga Peninsula.

Ikinalugod naman ng Department of Health ang pagbaba ng fatality rate na nasa 0.42 percent lamang na mas mababa sa 0.46 fatality rate noong nakalipas na taon.

Bilang tugon, ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, magpapatuloy pa rin ang kanilang pagsasagawa ng pagbabakuna para makontrol ang pagtaas ng kaso ng measles-rubella.

Batay sa datos ng DOH, aabot lamang sa halos 65% lamang ng mga bata ang nabakunahan noong nakaraang taon at target nila ito malampasan ngayong taon.

Partikular na tinuturukan ng ahensya ang mga batang wala pang isang taong gulang .