-- Advertisements --

Nais ng Department of Health (DOH) na ipahinto ang mga ginagawang ‘pahalik’ sa mga imahe sa darating na semana santa.

Sinabi ni DOH, Undersecretary Rosario Vergeirei na hindi pa natatapos aniya ang banta ng COVID-19.

Ang ginagawa kasi ng mananampalataya sa paghalik sa imahe ay maituturing na isang uri ng paghawa o paglilipat ng virus sa isang indibidwal.

Naglabas na rin aniya sila ng mga panuntunan noon pang nakaraang buwan na kung maari ay huwag munang gawin ang nasabing nakagawian sa mga simbahang katolika.

Mayroon pa aniyang mga kaparaan na maaring gawin para maipakita ng isang tao ang kaniyang pananampalataya bukod sa paghalik sa imahe.

Ang nasabing pahayag ng DOH ay kasunod ng pagbabalik na ng simbahan sa Quiapo ng tradisyunal na ‘pahalik’ sa itim na Nazareno noong Abril 1.

Paglilinaw naman ni Quiapo Church parochal vicar Douglas Badong na wala pa talagang paghalik na nagaganap sa itim na Nazareno at sa halip ay paglapit lamang sa imahe.