-- Advertisements --

Hindi pa umano maaring isailalim ang Metro Manila sa modified general community quarantine (GCQ) sa darating na Hunyo.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, sa Lunes pa lamang tatalakayin ang pinal na rekomendasyon para sa ipatutupad na quarantine classifications sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Iginiit ni Duque na bagamat nakikitaan na ng pagbaba ang kaso sa COVID-19 ay malaki pa rin ang posibilidad na muling tumaas ang kaso nito, dahil sa community transmission.

Matatandaang ilang kaso ang naitala sa NCR plus dahil sa super spreader events, kagaya ng pool party, tupada at iba pang mass gathering.