-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko ukol sa panganib na dulot ng pagbebenta ng convalescent plasma ng mga gumaling na pasyente ng COVID-19.

Pahayag ito ng ahensya sa gitna ng mga ulat nang patuloy na bentahan ng convalescent plasma mula sa mismong recovered patients, hospital staff, at umano’y fixers.

May natanggap din daw na report ang DOH hinggil sa mga indibidwal na sinasadyang magpahawa sa COVID-19, para maibenta ang kanilang convalescent plasma kapag gumaling.

“Studies have shown that it could pose serious risks to patients, who may contract transfusion-transmissible infections (TTIs) such as HIV, hepatitis, and malaria.”

Binigyang diin ng Health department na iligal at delikado ang pagbebenta ang ganitong transaksyon.

Ipinaalala rin ng ahensya ang panuntunan sa ilalim ng Republic Act No. 7719o National Blood Service Act.

“All blood and blood products shall be collected from volunteer blood donors only. Paid donation is not allowed, and facilities who will pay blood donors shall be penalized according to the DOH Administrative Order No. 36 series of 1994 Chapter VII, Section 26 and Chapter
VIII, Section 41.”

Ayon sa DOH, dapat boluntaryo ang pagdo-donate ng blood plasma, at dumaan sa opisyal na proseso. Masisiguro daw kasi nito na ligtas ang donor at ang sasalinan ng dugo.

Kinalampag ng kagawaran ang mga ospital at local governments na tiyaking wala sa kanilang mga staff ang sangkot sa iligal na gawain. Pati na ang pamilya ng recovered patients na tigilan ang pakikipag-ugnayan sa mga fixers.

“DOH enjoins the public to only donate blood voluntarily; only through voluntary
donation will you be assured of your health and safety, and only through this selfless act of service will you reap the satisfaction of having helped save the life of someone in need.”

Sa kasalukuyan, ang Philippine Blood Center at Philippine Red Cross-Port Area ang mga certified non-hospital-based convalescent plasma collection facilities.

Para naman sa hospital-based, tanging Philippine General Hospital at St. Luke’s Medical Center ang lisensyado ng DOH.