-- Advertisements --
image 359

Humiling ang Department of Health ng special authorization kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para makausad na sa pagbili ng Covid-19 Bivalent vaccines.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergerie nakikipag-negosasyon na ang ahensiya sa US biotech firm Moderna para sa pagbili ng bagong mga bakuna.

Nabatid na ang Bivalent vaccine ay bagong booster vaccine na target ang Omicron variants at ang orihinal na anyo ng virus.

Sa ngayon inaantay na lamang ang magiging tugon ng Pangulo dito.

Bagamat nagpapatuloy pa rin ang vaccination program sa bansa gamit ang existing vaccines, hindi makakabili ang DOH ng karagdagang mga bakuna nang walang special authority mula sa Pangulo.

Ibinunyag naman ni Vergeire na may ibang mga bansa na ang nag-alok na magbibigay ng donasyon na bivalent vaccines sa bansa.

Nakikipag-negosasyon na rin ang ahensiya sa COVAX facility, ang United Nations-backed international vaccine-sharing scheme para sa omicron-targeted vaccines.

Target ng DOH na maging available sa bansa ang bivalent vaccine sa unang quarter ng 2023.