-- Advertisements --
DOH

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga Pilipino na paghandaan ang tropical storm na maaaring pumasok sa Philippine Area of ​​Responsibility sa huling bahagi ng linggong ito at posibleng maging isang super typhoon.

Sa isang advisory, sinabi ng DOH na binabantayan ng kanilang Health Emergency Management Bureau Operation Center ang mga posibleng epekto ng Bagyong Mawar sa bansa.

Hinikayat din ng nasabing ahenysa ang publiko na makipag-ugnayan sa kani-kanilang local disaster at emergency risk team para sa tulong sakaling magkaroon ng emergency.

Bilang bahagi ng paghahanda sa paparating na bagyo, pinayuhan ng DOH ang publiko na maghanda ng emergency go bag na kinabibilangan ng ready-to-eat na mga pagkain, damit, first aid kit, mga gamit, sleeping bag, at COVID-19 protection kit, at iba pa.

Hinimok din ang publiko na ihanda ang kanilang mga tahanan para sa posibleng pagbaha at maghanda kung sakaling kailanganin ang paglikas sa kani-kanilang mga lugar.

Ayon sa DOST, ang tropical storm ay tatawaging Betty sakaling pumasok ito sa PAR sa araw ng Biyernes o Sabado.