-- Advertisements --
Wala pang konkretong kasagutan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa hiling ng Department of Health (DOH) sa pagpapalawig ng state of calamity sa bansa dahil sa COVID-19.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire , na kahit na nagbigay ng pagtanggi ang pangulong Marcos na palawigin ang state of calamity ay nais nilang makuha ang opisyal na kasagutan nito.
Bago kasi magtapos ang 2022 ay nagsumite na ang DOH ng memorandum sa office of the President na nagrerekomenda ng pagpapalawig ng state of calamity sa bansa.
Magugunitang nagtapos noong Disyembre 31, 2022 ang naideklarang state of calamity ng bansa dahil sa COVID-19.










