Inihanay ng Department of Health (DOH) sa kanilang polio-vaccination drive ang bagong istratehiya na sinimulan nilang ipatupad kasabay ng pagsasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ng Metro Manila at ilang karatig na lalawigan.
Nitong Lunes nang simulan ng DOH ang pagpapatupad sa Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) protocol na layuning tukuyin ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa komunidad.
Ayon sa DOH, itinuturing na primary driver o pinaka-dahilan kung bakit marami ang bagong tinatamaan ng sakit ang COVID clusters sa mga barangay.

Sa huling data ng ahensya, aabot na sa 887 ang clusters o mga lugar sa bansa na may higit sa dalawang kaso ng COVID-19. Ang 741 sa kanila ay mula sa komunidad.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, tulad ng kanilang Sabayang Patak Kontra Polio campaign, inaasahan ang mas mahigpit na pagtutulungan ng mga opisyal, komunidad at health care professionals sa ilalim ng CODE protocol.
“We need to actively find the cases and eliminate clusters of infection. Active case finding means systematic screening and clinical evaluation of patients in the community,” ani Vergeire sa isang video conference.
“We will not wait patients to come to the system, we will find them. Eliminating clusters means preventing starting points of local outbreaks to join and grow by keeping them isolated.”
Responsibilidad ng CODE Team na i-assess kung nasusunod ba ang protocols sa high-risk communities. Ihanda ang komunidad at stakeholders sa pagpa-plano, ipatupad ang mabubuong plano, at i-monitor ng resulta nito.

“The CODE is a whole nation approach and we had been in close coordination with various stakeholders, not just from the national agencies, but with the local government units; local civil organizations and other NGOs to develop a plain and respond appropriately and effectively to the needs of LGUs who are in need.”
“The DND, DILG, DTI and DOLE will be responsible in ensuring that engineering controls are observe in the community under the lockdown.”
Kahit dalawang linggo lang itong MECQ, umaasa raw ang DOH na mas mahigpit nang susunod sa minimum health standards ang publiko; masailalim sa symptoms check ang bawat bahay, i-test ang mga may sintomas, matukoy ang close contacts ng mga magpo-positibo, agad silang ma-isolate at wala nang gagamit ng rapid antibody test.

Hindi lang CODE Protocol ang ipapatupad ng DOH sa susunod na mga araw, dahil kasali rin sa kanilang hakbang ngayong “time out” dito sa NCR at ilang lalawigan, ang pagpapalakas ng recruitment sa dagdag na health care workers at bumuo ng bago pang stratehiya na magiging gabay laban sa COVID-19.
















