-- Advertisements --

Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang mga ulat hinggil sa gasolina bilang alternatibong disinfectant laban sa COVID-19 virus.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, alcohol at alcohol-based sanitizers lang ang inirerekomenda ng tanggapan na alternatibong disinfectant sa malinis na tubig at sabon.

“Ang mga alcohol dapat ay naglalaman ng 70% ethyl alcohol or isoprophyl. Samantalang ang alcohol-based hand sanitizers ay dapat naglalaman ng 60% ethyl alcohol or isoprophyl alcohol.”

Paliwanag ni Vergeire, matagal nang may ebidensya bilang epektibo laban sa mikrobyo, bacteria at viruses ang mga alcohol na may 60-percent concentration.

Una nang nagbabala ang Food and Drug Administration laban sa mga alcohol products na may delikadong sangkap.

Ayon kay FDA director general Eric Domingo, ang maling paggamit sa mga nasabing produkto ay posibleng magdulot ng kapahamakan.