-- Advertisements --

Bukas pa rin daw ang pamahalaan na mag-angkat at tumanggap ng supply ng COVID-19 vaccine mula sa kompanyang Moderna ng Amerika, kahit wala itong plano na mag-clinical trial ng kanilang bakuna dito sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health, dadaan pa rin sa mapanuring regulatory process ng vaccine expert panel, research ethics board, at Food and Drug Administration ang bakuna ng Moderna kung tatangkain nilang mag-manufacture ng kanilang COVID-19 dito sa bansa.

“Hindi ‘yan makakaapekto sa pagpili natin, although of course ‘yan yung ideal at gusto natin (clinical trial) but if they do no intend hindi naman ‘yan makakapag-stop sa gobyerno para sa procurement as long as they go through regulatory process.”

Kamakailan nang i-anunsyo ng Modern na 95% effective ang kanilang COVID-19 vaccine matapos ang isinagawang clinical trial.

“Ang objective ng Pilipinas ay magkaroon ng clinical trial dito ang mga manufacturers so that we can see the effect of these vaccines among our population kasi iba-iba ang effect ng vaccines sa bawat race ng population.”

Paliwanag ni Usec. Vergeire, karaniwang protocol sa clinical trial ang pagsali sa iba’t-ibang lahi para makita kung hanggang saan ang lawak ng pagiging epektibo ng isang bakuna.

“Kapag gumawa ng clinical trial ang isang manufacturer, they see to it na part of criteria na as much as the different races are covered.”

Ayon sa DOH, kailangang mapatunayan sa evaluation ng local experts ang resulta ng ginawang trials sa ibang bansa para makalusot at magamit sa mga Pilipino.