-- Advertisements --

Umakyat pa sa 2,075 ang bilang ng COVID-19 clusters sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa ahensya, as of September 27, pinakamarami pa ring lugar na may higit sa dalawang kaso ng coronavirus ang nasa komunidad na nasa 1,749 o 84.29%.

Sinundan ito ng mga ospital at iba pang health facility na nasa 105 (5.06%); jail facilities sa 36 (1.73%); at tinatawag na “other settings” na may 185 clusters (8.92%).

Una nang sinabi ng Health department na kabilang sa “other settings” ang public transportation at workplaces.

Sa mga rehiyon, ang National Capital Region pa rin ang nangunguna sa may mataas na bilang ng clusters na nasa 556 (27%). Binubuo ito ng 461 sa komunidad, 37 sa health facilities, 46 sa other settings, at 12 sa mga kulungan.

Sumunod ang Calabarzon na may 421 (20%) clusters; Central Visayas na mayroong 209 (10%); at Central Luzon, 188 (9%) clustered areas.

DOH data on clusters Sep 27
IMAGE | COVID-19 clusters among top regions, as of September 27/DOH

Ang naturang bilang ng clusters ay batay umano sa report ng Event-based Surveillance and Response ng Health department.