Nakakita na raw ng indikasyon ang Department of Health (DOH) na nagfa-flat na yung curve o humuhupa na ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa mga huling datos na naitala ng kagawaran.
Gayunpaman, nilinaw ng ahensya hindi pa ito senyales para maging kampante ang publiko at hindi na sundin ang ipinatutupad na safety protocols.
“Dahil ang tinitingnan natin ay dapat ang araw kung kailan naguumpisa ang sintomas ng tao, hindi pa rin natin masasabing nag-flatten ang curve ngayon.”
“We are improving in our case doubling time o pagitan ng oras na kailangan sa pagdoble ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nag-improve pa sa tatlo hanggang pitong araw ang doubling time o pagitan ng mga araw bago dumoble muli ang COVID-19 cases sa bansa.
Sa Luzon naman kung saan umiiral ang malawakang enhanced community quarantine ay nasa limang araw na ang doubling time mula sa dating tatlong araw.
Nalampasan na raw ng mga ito ang doubling time ng death cases.
“Ang sinasabi lang nito, bumabagal na ang pagdami ng kaso pero hindi ibig sabihin ay magiging complacent na tayo at bibitiw na tayo.”