-- Advertisements --

Muling nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko, lalo na sa mga nanay na pabakunahan ang kanilang anak kontra sa sakit na polio.

Ngayong buwan na kasi sisimulan ng DOH ang mas tutok na anti-polio vaccination campaign nito sa mga lugar na may naitalang kaso ng polio.

Inamin ni Health Asec. Maria Rosario Vergeire na hindi umabot sa 95-percent target ang nabakunahan ng kagawaran sa ilalim ng unang round ng Synchronized Polio Vaccination noong Agosto.

Umabot lang kasi sa 54-percent ang kanilang nabakunahan na mga bata.

Lumalabas sa pag-aaral ng Health department na 41-percent ng mga magulang ang wala sa mismong schedule ng pagpapabakuna ng mga anak.

May ilan din na walang ideya sa programa ng gobyerno, gayundin na nawalan na ng tiwala sa bakuna.

“There is no cure for polio. It can only be prevented with three doses of the polio vaccine that are safe and effective,” ani Vergeire.

“Vaccination is the best way to protect your child against vaccine-preventable diseases such as polio, measles, diphtheria, tetanus, pertussis, and tuberculosis, among others.”