-- Advertisements --

Nakapagtala muli ang Department of Health (DOH) ng mataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, kaya pumalo na sa 30,682 ang kabuuang numero ng mga tinamaan ng sakit sa bansa.

Mula sa 630 na mga bagong kaso ng COVID-19 ay may 467 na fresh cases. Ito yung mga kaso ng sakit na may resultang lumabas at na-validate sa nakalipas na tatlong araw.

Ang mga late cases naman, o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta sa nakalipas na apat na araw pero ngayon lang na-validate ay nasa 163.

Samantala, mataas din ang bilang ng mga bagong gumaling sa 250. Kaya ang total recoveries ay nasa 8,143 na.

Habang ang death cases ay nadagdagan ng walo, kaya umakyat pa ang total ng mga namatay sa 1,177.

Ayon sa DOH, dalawa mula sa walong bagong naitalang new deaths ang namatay nitong Hunyo.

Wala namang inalis na duplicate case sa total number of confirmed cases, pero nilinaw ng ahensya na posible pa ring magbago ito dahil sa patuloy na paglilinis ng backlog at validation.