-- Advertisements --

Mahigpit ang ipinapatupad na monitoring ng Department of Health (DOH) kasunod ng ipinalabas na utos ng mga Local Government Unit (LGU) sa Western Visayas na magsagawa ng lockdown, restrictions at community quarantine at monitoring sa bawat lugar.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Mary Jane Juanico, pinuno ng Infectious Disease Section ng Department of Health Region 6, sinabi nito na suportado nila ang ginawang hakbang ng mga alkalde at gobernador, upang hindi na kumalat pa ang virus.

Ayon kay Juanico, may kakayahan ang mga ospital sa rehiyon na tumanggap ng mga pasyenteng pinaghihinalaan na infected ng virus.

Ani Juanico, nang unang lumabas ang nasabing sakit, nagpalabas na ng kanilang kahandaan ang mga government hospitals na gamutin ang mga pasyenteng may flu like symptoms.

Sa ngayon, 12 ang persons under investigation kung saan 8 ang admitted at apat naman